“Salamat”

6f033620-732b-410e-a52c-a5cd94f37f05

Salamat

Akda Ni: Sumayya/Bhey

Nilikha Noong: Oktubre 15, 2019 – 05:47 ng hapon sa Dubai

Mula sa Lumikha: “Ang Tulang ito ay inaalay ko sa mga taong nasa relasyon na kung tawagin ay KOMPLIKADO”

Salamat sa iyo,
Sa pagmamahal na binibigay mo,
Na kahit alam nating komplikado
Minamahal mo pa rin ako ng totoo,

Salamat sa pagpapasaya sa akin,
Kapag malungkot ako’y binibigyan ng pansin,
Salamat sa pakikinig sa mga problema,
Kapag umiiyak, ikaw ang nagpapatahan twina,

Salamat sa pagsuyo,
Ramdam ang pagmamahal kahit magkalayo,
Kahit magkaiba ang mundo,
Pinapakita mo pa rin na mahal mo ako,

Salamat sa lahat mahal ko,
Salamat at tayo’y pinagtagpo,
Salamat sa pagbibigay ng kulay sa mundo ko,
Salamat, mahal kita, kahit komplikado.

X

WhatsApp Image 2019-12-14 at 12.12.39 PM

X

Likha Ni: Sumayya/Bhey

Nilikha Noong: Oktobre 22, 2016 – 10:25 ng gabi sa Dubai

Gusto kong tumakbo…
Malayong malayo sa mundong ito…
Gusto kong pumunta…
Doon sa aki’y walang nakaka-kilala…

Gusto kong lumayo…
Ngunit ‘di alam saan tutungo…
Gusto kong kalimutan…
Ang sa ami’y namagitan…

Gusto kong takasan…
Ang aking nakaraan…
Nakaraan na hanggang ngayo’y sa aki’y sumasama…
Alaala niya’y laging nakikita…

Paano siya makakalimutan?
Kung siya parin ay nasa puso’t isipan…
Sana panaginip na lang ang lahat…
Para wala na siya sa aking pag-mulat…

Gusto ko siyang kalimutan…
Itapon lahat ang nakaraan…
Ngunit paano nga ba?
Kung siya lang ang nilalaman…

Sana problema’y masolusyunan…
Dahil walang wala talagang patutunguhan…
Sana damdamin ay maturuan…
Para wala ng iba pang masaktan…

“Lumayo”

Lumayo…
Naisipan mo na bang lumayo?
Lumayo sa mga pagtatalo na nagdudulot saiyo ng galit na unti unti kang hinihila patungo sa kawalan…
Lumayo sa mga taong patuloy kang hinihila pababa…
Lumayo sa iyong naka ugalian na suyuin ang mga taong hanggang ngayon ay hindi makita ang iyong tunay na halaga..
Lumayo sa iyong mga kaisipang nagdudulot ng pagkabahala…
Lumayo sa mga matang mapang-husga, dahil hindi nila alam ang mga pagsubok na iyong hinaharap at tunay na pinagdadaanan…
Lumayo sa iyong mga pagkakamali at mga takot…
Lumayo… unti unting lumayo…
Hanggang malayo kana sa mga bagay na unti unting sumisira sa iyo….
Lumayo… unti unting lumayo…
Hanggang sa makamit muna ang kapayapaan..
Kapayapaan na muling bubuo sa iyo…
Kapayapaan na walang makakaagaw saiyo..
At higit sa lahat…Kapayapaan…
Kapayapaan na mananatili sa iyong puso kailan man….